MAY PULONG | Pagkikita nina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin, posible nang matuloy

Amerika – Malaki ang posibilidad na matutuloy ang kauna-unahang pulong nina U.S. President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin sa Washington.

Ayon kay White House Press Secretary Raj Shah – mismong si Trump ang nagsabi na matutuloy ang meeting nila ng Russian President.

Ilan sa mga target na pag-usapan ng dalawa ang problema sa North Korea, Syria, Ukraine, Iran, ISIS at maging ang isyu ng arms race.


Samantala, nagpaabot ng kani-kanilang pakikiramay ang ilang lider ng bansa sa pagpanaw ng dating asawa ni South Africa Former President Nelson Mandela na si Winnie Madikizela dahil sa sakit.

Si Madikizela ay nakilala sa buong mundo bilang “Mother of Nation” dahil sa paglaban niya sa tinaguriang white-minority rule noon sa South Africa.

Facebook Comments