MRT-7 KONSTRUSYON | MMDA, nanawagan sa publiko na sumunod sa batas-trapiko

Manila, Philippines – Muling nanawagan sa publiko ang MMDA na sumunod sa mga batas-trapiko para hindi mapalala ang sitwasyon sa Commonwealth Avenue.

Bago mag-Holy Week, tatlong lane ng Commonwealth Avenue papuntang Fairview ang isinara para bigyang-daan ang konstruksyon ng MRT-7.

Nagdulot ito ng matinding traffic sa lugar na pinalala pa ng mga pasaherong lumalabas sa mga loading at unloading area para mag-abang at makipag-unahang makasakay sa iba.


Humaharang naman sa entrada ng Commonwealth Avenue ang mga bus at jeep na nagsasakay sa mga pasaway na commuters.

Kaugnay nito, nagtalaga na rin ang MMDA ng mga karagdagang tauhan sa lugar para magmando ng traffic.

Facebook Comments