MAY SABWATAN? | Mga dati at kasalukuyang opisyal ng MRT-3, nagkaroon umano ng sabwatan

Manila, Philippines – Ibinunyag ni PBA Partylist Rep. Jericho Nograles na nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng mga dating opisyal at kasalukuyang opisyal ng Metro Rail Transit (MRT) 3.

Ayon kay Nograles, gawa sa chop-chop o pinagsamang lumang spare parts ang mga tren ng MRT 3.

Aniya, mula sa 73 bagon ng MRT ay isa na lamang ang may orihinal na vehicle logic unit na nagsisiling utak ng mga bagon.


Sinabi pa ni Nograles na kwestyunable rin kung saan nabili ang mga inilagay na spare parts sa MRT 3.

Giit pa ni Nograles, natuklasan rin nila na peke ang kontrata sa dating maintenance provider ng MRT 3 na Busan Universal Rail Incorporated o BURI.

Facebook Comments