Manila, Philippines – Pinagbibitiw na sa pwesto ng Makabayan sa Kamara si Justice Secretary Vitaliano Aguirre kasunod ng naging desisyon ng DOJ na i-dismiss ang drug cases ng mga bigtime drug lord na sila Kerwin Espinosa, negosyanteng si Peter Lim at Peter Co. Naniniwala sina Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, Gabriela Rep. Emmi de Jesus, ACT Teachers Reps. Antonio Tinio at France Castro at Anakpawis Rep. Ariel Casilao na nagkaroon ng sabwatan para maibaba ang ganitong desisyon. Iginiit ni Castro na nagmamaang-maangan pa si Aguirre para hindi mapag-initan ng Pangulo na alisin sa pwesto. Dagdag pa ng mga kongresista, ipinapakita nila Pangulong Duterte at PNP Chief Ronald Bato dela Rosa na kunwari ay dismayado sa naging desisyon ng DOJ gayong sa mga pahayag pa lamang nila ay mahahalata na tinahi-tahi ang mga ito. Kitang-kita din umano ang paghuhugas kamay ng gobyerno para ipakita sa publiko na hindi nila gusto ang ginawa ng DOJ. Panawagan ng mga kongresista sa MAKABAYAN, kung may delicadeza si Aguirre ay magbitiw na ito sa posisyon at huwag nang hintayin na sibakin pa ito ng Presidente.
MAY SABWATAN? | SOJ Aguirre, pinagbibitiw sa pwesto
Facebook Comments