MAY SINDIKATO? | DFA, nagpasaklolo na sa NBI at PNP sa isyu ng back-log sa passport application

Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang talamak na fixer sa pagproseso ng pasaporte.

Kasunod na rin ito ng umano’y sindikato na nasa likod ng back-log ng passport applications, partikular sa appointment system ng online passport application.

Sa interview ng RMN, sinabi ni DFA Asec. Frank Cimafranca – humingin na sila ng tulong sa Cyber Crime Unit ng Philippine National Police at National Bureau Of Investigation upang matukoy ang sindikatong nasa likod ng problema.


Isa rin sa mga nakikitang solusyon ng DFA ay ang pagpapatupad ng e-payment sa loob ng 72 hours.

Una nang pinapaimbestigahan ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang alegasyon ng anomalya ng passport processing ng DFA.

Ang hakbang na ito ng Kamara ay bunsod na rin ng kaguluhan at kalituhan sa passport on wheels na inilunsad kamakailan sa Maynila kung saan dinagsa ng maraming tao ang passport application na dapat sana pala ay para lamang sa mga pre-registered applicants.

Facebook Comments