MAY SOMETHING? | Fans nina Maine Mendoza, Arjo Atayde – ikinatuwa ang naging bonding ng dalawa

302

Ikinatuwa ng mga fans nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang naging bonding ng kanilang mga idol sa kasagsagan ng shooting ng kanilang pelikula na ipapalabas sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nabatid kasi na naispatang magkasamang kumakain sa isang restaurant sa Makati City sina Maine at Arjo Atayde kung saan masayang nagkukuwentuhan ang dalawa.

Makikita din si Maine na tumatawa habang may ipinapakita kay Arjo sa kanyang cellphone at napag-alaman na walang ibang kasama ang dalawa na nagpunta sa restaurant.

Nagtagal lamang sila ng ilang minuto at pagkatapos ay umalis na rin.

Wala din camera o crew na kasama ang dalawa kaya hindi shooting ng pelikula o teleserye ang kanilang ginawang bonding.

Sinasabing posibleng nasa malapit lang na lugar ang shooting ng ginagawa nilang pelikula at nagkayayaan silang kumain.

Facebook Comments