NCAA | San Beda Red Lions, tinambakan ang Arellano Chiefs; 90-52

12

Tinambakan ng San Beda Red Lions ang Arellano Chiefs sa kanilang naging laban sa NCAA Season 94 Men’s Basketball Tournament.

Hindi pinaporma ng Red Lions ang Chief sa score na 90-52 kung saan nanguna sa panalo ng San Beda sina Javee Mocon na may 20-points at Robert Bolick na may 11-points.

Dahil sa panalo, nangunguna ngayon sa team standings ang San Beda na may 15 panalo at isang talo.

Pinaghahandaan naman ngayon ng Red Lions ang nalalapit na final four at hindi sila magiging kampante kahit pa hawak nila ang twice-to-beat advantage.

Facebook Comments