Manila, Philippines – Hindi iniaalis ni Dangerous Drugs Committee Chairman Robert Barbers na may salaping gumalaw kaya naibasura ang drug cases laban kina Kerwin Espinosa, negosyanteng si Peter Lim at Peter Co. Giit ni Barbers, nagiwan ng misteryosong million dollar question kung ano ang Probable Cost sa halip na Probable Cause ang hanapin para maituloy ang kaso kina Espinosa. Naalarma ang kongresista sa trend ngayon ng DOJ na panay basura ng mga kaso dahil sa kawalan umano ng matibay na ebidensya. Binigyang diin ni Barbers na probable cause ang hanap sa imbestigasyon at ang pagpiprisinta ng matitibay na ebidensya ay sa korte na. Sinabi pa ni Barbers na bulag at bingi o manhid na ba ang DOJ para hindi makita ang basehan sa kaso ng mga tinaguriang drug lords. Nakakapagtaka din aniya na hindi binigyang bigat ng National Prosecution Service ang testimonya ng bodyguard ni Espinosa samantalang mismong si Espinosa na ang umamin sa drug dealings nito.
MAY SUHULAN? | Pagbasura sa drug cases vs Kerwin Espinosa at iba pa, pinagdududahang may salaping gumalaw
Facebook Comments