“MAY TAMANG PANAHON” | Pilipinas, hindi pa handa para sa same-sex marriage – Malacañang

Manila, Philippines – Naniniwala ang Malacañang na hindi pa handa ang Pilipinas na magkaroon ng same-sex marriage sa bansa.

Tugon ito ng Palasyo matapos ang ipahayag ng human rights watch ang kanilang kumpiyansa na susuportahan ng Korte Suprema ang panukalang batas.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ipinahayag na ng mga mahistrado na mahirap mailusot ang panukalang batas.


Aniya, may tamang panahon para talakayin ang ilang isyu na tulad nito.

Sa ngayon, isinusulong sa kongreso ang Sexual Orientation and Gender Identity or Expression Equality Bill o SOGIE bill na layong mapigilan ang anumang uri ng diskriminasyon laban sa mga tao base sa kanyang gender orientation o expression.

Facebook Comments