TELCO INDUSTRY | TOR para sa pagpili ng ikatlong telco player, posibleng mailabas sa susunod na dalawang linggo

Manila, Philippines – Inaasahang makakapaglabas na ang National Telecommunications Commission (NTC) ng bagong Terms of Reference (TOR) para sa pagpili ng ikatlong telecom player.

Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DILG) acting Secretary Eliseo Rio, posibleng abutin ng dalawang linggo para mabuo ang TOR.

Naghihintay lamang ang NTC sa input ng mga consultant mula sa International Telecommunication Union (ITU).


Pero nilinaw ni Rio na walang itinakdang deadline para sa pagbuo ng TOR.

Tiniyak ng DICT na hindi ititigil ang pagpili sa ikatlong telco lalo at suportado ito ng publiko maging ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments