*Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Department of Labor and Employment na walang dapat na ipangamba ang mga kamag-anak ng OFW sa Kuwait dahil mayroong nakalaan na trabaho para sa 2,500 OFW na inaasahan na pauuwiin mula sa bansang Kuwait.*
*Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III na mayroon ng OFW na nakabalik sa bansa at may nakalaan umanong trabaho para sa kanila.*
*Paliwanag ni Bello na may nakalaan na Re-integration program ang ahensiya kung saan hahanapan nila ng trabaho o maaring papupuntahin nila sa bansang Japan kung saan nangangailangan ng 80 libong trabaho ang naturang bansa, bukod sa Japan, pwede rin sa New Zealand, Germany at iba pang bansa.*
*Giit ng kalihim na naghanda na rin ang dalawang Airlines Company ng libreng Charter flight para sa aabot na mahigit 500 OFW na nakatakdang uuwi sa bansa sa buwang kasalukuyan.*