MATIYAK ANG KATAHIMIKAN | MPD, naghigpit na ng seguridad sa nalalapit na Chinese New Year

20

*Manila, Philippines – Inatasan na ni Manila Police District Director Chief Supt. Joel Coronel ang kanyang mga tauhan na sa maghigpit pa na seguridad sa kanilang area of responsibility ngayong papalapit ang Chinese New Year.*

*Ayon kay Coronel para matiyak ang katahimikan sa panahon ng pagdiriwang ng Chinese New Year at Ash Wednesday sa Lungsod ng Maynila.*

*Paliwanag ni Coronel magdadagdag din siya ng mga Security Personnel kabilang mga mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Units ng MPD at K-9 Units.*

*Giit ni Heneral upang mapaluwag ang mga daraanan ng mga sasakyan sa Reina Regente sa Binondo Manila ay magpatutupad sila ng Stop-and-Go Traffic Management.*

*Nilinaw naman ni Coronel na magsisimula sa Pebrero a-kinse ang kanilang gagawing pagbabantay sa Binondo na kilala bilang China Town sa Pilipinas.*

Facebook Comments