MAY TSANSA | Pagbaba ni PRRD sa posisyon kung si dating Senador BBM ang mauupo bilang Bise Presidente, posible – Malacañang

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na tutuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang naging pahayag na bababa ito sa posisyon sakaling manalo si dating Senador Bong-Bong Marcos sa kanyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo at maupo bilang pangalawang pangulo ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, seryoso si Pangulong Duterte sa kanyang pahayag na handa na itong bumaba sa posisyon basta qualified leader ang papalit sa kanya.

Sinabi ni Roque na posibleng totohanin ni Pangulong Duterte ang kanyang pahayag na bababa sa posisyon kung si dating Senador Marcos na ang bise presidente dahil taglay nito ang kwalipikasyon na hinahanap ng Pangulo.


Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte na hindi kaya ni VP Robredo na pamunuan ang bansa at binanggit pa ng Pangulo na talamak din ang iligal na droga sa Naga na teritoryo ng Pangalawang Pangulo.

Binigyang diin din naman ni Roque na walang kinalaman sa pulitika ang pahayag nito na talamak parin ang droga sa Naga dahil hindi lang naman sa naga may operation ng iligal na droga kundi sa marami pang lugar sa bansa.

Facebook Comments