Manila, Philippines – Inilunsad na ng Pilipinas sa kalawakan ang kauna-unahang cube satellite ng bansa.
Isinagawa kahapon ng Department of Science and Technology (DOST) at ng University of the Philippines (U.P) ang launching ng Maya-1 kung saan lumikha ito ng kasaysayan sa space and science technology program.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, may sukat lamang ang cube satellite na 10-by-10 centimeters at kayang kumuha ng mga larawan ng mundo mula sa kalawakan.
Kaya ng Maya-1 na kumuha ng mga larawan ng agricultural crops, kagubatan, ilog at kahit mga pamayanan na mahalaga sa mga ahensya ng gobyerno.
Binuo ang Maya-1 ng alumni ng U.P na sina Joven Javier at Adrian Salces sa ilalim ng Philippine Scientific Earth Observation Microsatellite Program.
Ang Maya-1 ay ang ikalawang satellite na nai-deploy sa kalawakan matapos ang Diwata-1.
Plano pa ng DOST na mag-launch ng isa pang microsatellite na papangalanang Diwata-2 bago matapos ang taon.