PNP, magdedeploy ng mas maraming pulis ngayong papalapit na holiday season

Manila, Philippines – Magde-deploy ng mas maraming pulis sa mga lansangan at establisyimento ang PNP ngayong papalapit na holiday season.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa – tumataas ang bilang ng krimen tuwing “ber” months dahil na rin sa pagdami ng mga mamimili.

Base pa sa datos ng PNP, tumataas din ang demand sa iligal na droga dahil marami ang nagpa-party.


Kabilang sa mga babantayan ng pulisya ang mga mall at malalaking pamilihan lalo na sa Metro Manila partikular ang Baclaran at Divisoria.

Facebook Comments