Maymay Entrata, ipinagdiwang ang limang taon sa showbiz sa pamamagitan ng paglabas sa isang fashion magazine

Ipinagdiwang ng aktres na si Maymay Entrata ang limang taon niya sa showbiz sa pamamagitan ng pag-cover sa isang local fashion magazine.

Si Maymay ang pinaka-bagong cover girl ng Mega Style para sa kanilang April 2021 issue.

Kuha ang larawan sa UP Vargas Museum kung saan ipinapakita ang pagiging glamorous ng aktres suot ang multi-colored short dress ni Mara Chua at ang gold strappy heels ni Jefferson Si.


Lubos naman ang pasasalamat ni Maymay sa lahat ng sumusuporta sa kaniya dahil sa isa na namang milestone na dumating sa kaniyang buhay.

Matatandaang una nang rumampa si Maymay sa isang Arab Fasion Week noong 2018 suot ang mga disenyong gawa ng Filipino designer na Furne One.

Facebook Comments