Maynila At Manila, Water pumayag na pag-usapan ang pag-amyenda sa Concession Agreement

Pumayag na ang Maynilad at Manila Water na pag-usapan ang pag-amiyenda sa mga kwestyunableng probisyon sa 1997 Concession Agreement.

Ito’y kasabay ng paharap ng Dalawang Water Companies sa pagdinig ng House Committee on Good Governent and Public Accountability at Committee on Public Accounts.

Ayon kay Committee Chaiperson, Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado – payag din ang maynilad at manila water na huwag ipasa sa taumbayan ang kanilang Corporate Income Taxes.


Kapwa iginiit ng dalawang Water Concessionaire na tumupad sila sa Concession Agreement.

Bumuo na ng Technical Working Group ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para pag-usapan ang pagbabago sa kontrata.

Nagtalaga na rin ng team mula sa MWSS Board na lalahok sa negosasyon.

Ngayong araw ay nakatakdang ipagpatuloy ng Komite ang pagdinig at tatalakyin ang mga kwestyunableng probisyon sa Concession Agreement.

Facebook Comments