Manila, Philippines – Nanguna ang lungsod ng Maynila sa ‘worst place in South East Asia.’
Batay sa survey na isinagawa ng travel guide na South East Asia Backpacker – ang polusyon, kakulangan sa imprastruktura, kakulangan sa kaligtasan at overcrowding ang mga dahilan kung bakit itinanghal na ‘worst place’ ang Manila sa rehiyon.
Umani ito ng labing pitong boto.
Pasok din sa top 10 worst place in South East Asia ang Cebu City na umani ng anim na boto.
Paglalarawan ng mga turista, ‘polluted,’ marumi, maingay at walang kultura sa lugar maliban sa nagkalat na malls.
Samantala, sa 13 lugar na napasama sa ‘worst place in South East Asia,’ pinakamaraming lugar ay mula sa Thailand.
DZXL558
Facebook Comments