Maynilad at Manila Water, ipinadedeklarang public utility kay PRRD

Manila, Philippines – Nanawagan si Bagong Henerasyon Representative Bernadette Herrera Dy kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklarang public utility ang Maynilad at Manila Water.

Sa harap pa rin ito ng umano’y kwestiyonableng kontrata sa dalawang water concessionaire kung saan agrabyado ang gobyerno.

Paliwanag ni Herrera Dy – tubig ang serbisyong ibinibigay ng Maynilad at Manila Water na isang basic necessity kaya dapat lang na ituring silang public utility.


Dagdag pa ng kongresista, nagkaroon ng pagpapabaya ukol dito ang MWSS.

Aniya – isa sa malaking kasalanan ng mga water concessionaire ay ang advanced collection ng mga ito para sana sa mga proyektong hindi naman ng nagawa.

Naniniwala naman ang kongresista na ginagawa ni Pangulong Duterte ang mga tamang hakbang hinggil sa usapin.

Facebook Comments