Maynilad at Manila Water, nagpaliwanag kung bakit ‘di nasusunod ang schedule ng water service interruption

Nagpaliwanag ang dalawang water concessionaire na Maynilad at Manila Water kung bakit hindi nasusunod ang schedule ng water service interruption.

Ayon kay Manila Water Communications Planning and Tactical Development Manager Dittie Galang – bigla kasi ang anunsyo na mababawasan ang alokasyon ng tubig dahil malapit na sa critical level ang tubig sa Angat Dam.

Kaya agad aniya ito naramdaman ng kanilang mga sineserbisyuhang lugar.


Sinabi naman ni Maynilad Head of Corporate Communications Jennifer Rufo – agad naman nilang ipinapaalam sa mga consumer ang tungkol sa service interruption.

Pero dahil sa mababang supply ng tubig hindi agad nararating ang ibang lugar kaya hindi nasusunod ang schedule.

Sa ngayon, nasa 161.30 meters na ang lebel ng tubig sa Angat Dam, higit isang metro na lamang ang layo bago humantong sa kritikal na lebel.

Facebook Comments