Maynilad, handang tumugon sa kautusan ng MWSS

Nirerespeto ng Maynilad ang desisyon ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSSRO) na patawan sila ng multa kaugnay sa pangyayari sa Imus, Cavite.

Ayon sa Maynilad, tutugon sila sa kautusan ng MWSSRO para sa implementasyon ng ratings.

Anila, patuloy ang kanilang pagsisikap na makapagbigay ng mataas na kalidad ng tubig at patuloy na maging proactive sa kanilang serbisyo.


Patuloy rin anila ang kanilang pakikipagtulungan sa MWSSRO at Department of Health sa pagmo-monitor sa kalidad ng tubig na kanilang sinusuplay sa kanilang customers.

Facebook Comments