Balik-normal na ang kalidad ng tubig na sinusuplay ng water concessionaire na Maynilad sa ilang customers nito sa southern Metro Manila matapos maayos ang naranasang aberya.
Partikular na sa Las Piñas, Muntinlupa, at Parañaque kabilang din ang ibang lugar tulad ng Bacoor, at Imus na unang inabisuhang huwag munang inumin o gamiting panluto ang tubig mula sa gripo.
Ayon sa Maynilad, lifted na ang una nitong abiso matapos maisaayos ang raw water quality mula sa Laguna Lake, at ang pinaigting na proseso sa treatment plants upang maibalik ang kalidad ng tubig alinsunod sa nakatakdang pamantayan.
Ibinahagi naman ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office Chief Atty. Patrick Ty, na naka-monitor na sila sa sitwasyon at ipatatawag na rin ang Maynilad upang makapagpaliwanag sa nangyari.