Manila, Philippines – Magsasagawa ang Maynilad ng pipenetwork upgrade sa primary line nito sa kahabaan ng General Luis Street,Novaliches, Quezon City.
Ayon kay Ms. Grace Laxa ng tagapagsalita ng Maynilad,makakaranas ng pansamantalang paghina ng suplay ng tubig simula ika-6 ng Abril 2017mamayang alas-800 ng gabi hanggang ika-8 ng Abril 2017 (alas-5:00 ng umaga) samga sumusunod na lugar sa Quezon City: Capri, Gulod, Nagkaisang Nayon, North Fairview, Novaliches Proper, SanAgustin, Santa Monica.
Maging ang Brgy. 165 Bagbagin, Brgy. 166 Kaybiga, Brgy.167 Liano sa Caloocan ay makakaranas din ng paghina ng supply ng tubig.
Apektado din ang lahat ng barangay sa Valenzuela City atkasama din ang kalapit na lugar tulad ng barangay Bangkal, Langka at Lawa sa Malolosat Brgy. Katangkalan sa Obando.
Dagdag pa ni Laxa, maaaring magkaroon ng delay sapanunumbalik ng water supply, depende sa elevation ng lugar, layo ng lugar mulasa mga pumping station, o dami ng gumagamit tubig kung saan may mga kasabay dingawain para sa pipe rehabilitation.
Pinapayuhan ng Maynilad ang mga apektadong customer namag-ipon ng sapat na tubig para sa itatagal ng water service interruption.
Maynilad, magsasagawa ng pipe network upgrade
Facebook Comments