Maynilad, nag-abiso ng water service interruption

Magpatupad na rin ang Maynilad ng water interruption dahil sa malakas na demand ng tubig sa gitna ng mainit na panahon.

Sa abiso ng Maynilad, nagpapatupad na rin sila ng water service interruption at pagbabawas ng water pressure sa ilang lugar sa Quezon City, Caloocan at Valenzuela.

Ayon kay Jennifer Rufo, corporate communication head ng Maynilad, sinimulan nila ang water service interruption noon pang April 5.


Pero ginagawa aniya ito sa gabi para hindi gaano ang epekto at sa umaga ay balik sa normal ang suplay ng tubig.

Sabi pa ni Rufo, nananatili namang normal ang water level sa Angat Dam kahit na patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig rito.

Tiniyak din ng kumpanya na hindi bababa ang lebel ng treated water sa bagbag reservoir na kanilang isinusuplay sa kanilang mga customers.

 

Wala rin aniyang epekto sa naturang reservoir ang pamimigay ng tubig ng Maynilad sa Manila Water.

Facebook Comments