Maynilad, nag-abiso sa water interruption sa ilang barangay sa Parañaque City

Muling nag-abiso ang Maynilad sa mga residente ng Parañaque City kaugnay ng mahina hanggang sa pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig bukas hanggang sa katapusan ng Setyembre.

Magsisimula ang water interruption dakong alas-10:00 ng gabi bukas at tatagal hanggang alas-6:00 ng umaga sa Huwebes.

Kabilang sa mga maapektuhang lugar sa Parañaque City ang Brgy. BF Homes, Brgy. International, Caa, Manuyo Dos, San Dionisio at San Isidro.


Ito ay dahil sa network maintenance activity ng Maynilad tulad ng pagkakabit ng mga bagong tubo.

Pinapayuhan ang mga apektadong mga residente na magsimula nang mag-ipon ng tubig.

Facebook Comments