Maynilad, nag-abisong mawawalan ng tubig sa ilang lugar sa Las Piñas at Cavite

Nag-abiso ang Maynilad sa kanilang mga kustomer sa Las Piñas at Cavite na mag-ipon na ng sapat na tubig dahil makakaranas ng pagkahina ng pressure o kawalan nito sa ilang lugar mula Nobyembre 1 hanggang 21 ngayong taon.

Ayon sa Maynilad, sa pagitan ng ala-1:00 ng hapon hanggang alas-12:00 ng madaling araw mararamdaman ang paghina ng tubig sa mga lugar sa Las Piñas kabilang ang:

• C A A
• Manuyo Dos
• Pamplona I hanggang III
• Pulang Lupa I at II
• Talon I
• Zapote


Samantala, sa Bacoor City naman ay magsisimula ng alas-5:00 ng madaling araw hanggang alas-2:00 ng hapon sa mga lugar ng:

• Bayanan
• Ligas III
• Mambog 1 hanggang IV
• Molino I hanggang III
• Molino VI
• San Nicolas I hanggang III

Habang sa Imus City naman, mula alas-5:00 ng madaling araw hanggang alas-2:00 ng hapon sa:

• Anabu I-A hanggang I-E
• Bayan Luma I, III, V hanggangIX
• Bucandala I hanggang V
• Buhay na Tubig
• Carsadang bago I at II
• Malagasang I-Aat I-B
• Poblacion III-B
• Poblacion IV-A hanggang IV-D
• Tanzang luma IV hanggang VI

Sa Imus City pa rin, mula naman alas-5:00 ng madaling araw hanggang alas-6:00 ng gabi sa mga lugar ng:

• Anabu I-A
• Anabu I-C
• Anabu I-D
• Anabu I-E
• Anabu I-F
• Anabu II-A hanggang II-D

Bunsod ito ng pagsasagawa ng Maynilad ng facility upgrade para sa enhanced earthquake resiliency ng PAGCOR pumping station.

Facebook Comments