Pinatawan ng multang ₱9 million ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS-RO) ang Maynilad dahil sa mga biglaang water interruption.
Sa isang desisyon na pirmado ni Chief Regulator Patrick Lester Ty, nilabag umano ng Maynilad ang service obligation para sa isang tuloy-tuloy na serbisyo.
Mula May hanggang July 2022, na-monitor ng MWSS-RO ang lampas ng 15 araw na water service interruptions sa southern part ng West Concession area nito.
Kabilang sa mga lugar na ito ay ang Las Piñas City, Muntinlupa City, Parañaque City at Cavite Province (Bacoor, Imus, Cavite, Noveleta at Rosario).
Simula sa Nobyembre ay inaasahang maibalik na ng Maynilad sa pamamagitan ng rebate mula ang multang ipinataw ng MWSS.
Ito na ang pangalawang pinakamalaking mulutang ipinataw ng MWSS sa Maynilad.
Noong Pebrero 2022 ay pinagmulta na rin ang Maynilad sa katulad na reklamo.