Manila, Philippines – Malinis ang konsensya ng aming pamilya, ito ang tahasang sinabi Mrs. Haydee Lopez sa kabila ng isinagawang raid sa kanilang bahay kung saan nakuha ang isang kilo ng shabu at umano’y green book na naglalamang ng mga katransaksyon sa droga ni Maasim, Saranggani Mayor Aniceto “Jojo” Lopez.
Sa exclusive interview ng RMN kay Mrs. Lopez, itinanggi niyang sa kanila ang mga nakuhang droga, baril at mga pampasabog sa kanilang bahay.
Anya, anumang oras handa ang kanilang pamilya na magpadrug-test.
Samantala, nilinaw ni Mrs. Lopez, hindi tumakas ang kanyang asawa noong araw na isagawa ang drug raid at care taker lamang nila ang naiwan sa kanilang bahay.
Sa ngayon, nakakulong si Mayor Lopez sa detention cell ng Philippine Drug Enforcement Agency region 12.