Binigyang linaw ni Mayor Joy Belmonte ang sinasabing ₱26.5-B na pondo na iniwan ng kaniyang hinalinhang mayor na si Herbert Bautista.
Sa kaniyang inaugural message, sinabi ni Belmonte na maganda sa pandinig na may ₱26.5-B cash on hand ang QC LGU as of May 31, 2019,
Gayunman, batay sa paliwanag sa kaniya ng City Treasurer at City Budget Officer, ₱4.6-B ng naturang cash on hand ay nasa ‘ trust funds’ o mayroon nang ispesipikong paggagamitan.
₱2-B naman ay nakalaan na sa long-term investments.
Aniya, kahit pa magawang makolekta ang inaasahang kita na ₱6.4-B sa ika-2 hati ng kasalukuyang taon, aabot lamang ito sa kabuuang ₱12-B .
Ito ay kung ikukumpara sa projected expenses ng QC LGU para 2019 na abot sa ₱10.4-B.
Lumilitaw na may mga obligasyon pang bayarin ang QC LGU na aabot sa ₱14.3-B noong May 2019.
Dahil dito, magkakasya na lamang sa ₱5.6-B ang kasalukuyang pangasiwaan sa 2nd half ng 2019.
Sa kabila nito, nagsumite na si Mayor Belmonte ng panukala kung paano malalagpasan ng kaniyang administrasyon ang susunod na 6 na buwan.