Mayor Bernard Dy, Nangangamba na magpositibo sa COVID-19

*Cauayan City, Isabela*- Umaasa pa rin si City Mayor Bernard Dy na magiging maayos ang kanyang sitwasyon sa kabila ng pagsasailalim nito sa home quarantine matapos makasalamuha si Senator Migz Zubiri at Sen. Sherwin Gatchalian hanggang sa inanunsyo ang pagiging positibo ni Sen. Zubiri sa COVID-19.

Ayon kay Dy, normal ang kanyang sitwasyon sa ngayon at walang kahit anong sintomas ang kanyang nararanasan bagama’t pareho din ang nangyari sa senador bago magpositibo.

Sa kabila nito, tiniyak pa rin ni Dy na maayos at natutulungan ang sitwasyon ng publiko matapos ang malawakang community quarantine sa buong Luzon.


Samantala, sinabi ni Dy na sakaling magkaroon ng pagkakataon ay sasailalim din ito sa pagsusuri para masiguro ang lagay ng kanyang kalusugan.

Hiniling din nito sa mga pribadong sektor na mangyaring tugunan pa rin ang pangangailangan ng mga kani-kanilang empleyado bagay na ipinag utos na rin ng Pangulong Duterte ang ‘No Work with Pay’ sa mga may ari ng establisyimento.

Facebook Comments