Mayor Bernard Dy ng Cauayan City Isabela, Inialok ang City Hall ng Cauayan Bilang Regional Government Center ng Cagayan Valley!

Cauayan City, Isabela – Inialok ni Cauayan City Mayor Bernard Dy ang City Hall ng lungsod ng Cauayan na maging Regional Government Center ng Cagayan Valley.

Ito ang naging mensahe ni Mayor Dy sa kanyang pormal na pagbubukas ng Federalism Caravan na kasalukuyang ginaganap sa Marco Paulo Cafe and Restobar, San Fermin, Cauayan City.

Gaganapin ang Federalism roadshow sa loob ng dalawang araw dito sa lungsod ng Cauayan para ipaliwanag sa hanay ng media, information officers, local officials hanggang sa barangay officials ang mga importanteng bagay kaugnay sa isinusulong na pederalismo.


Kasali sa isasalang na paksa sa araw na ito para sa federalism media forum ay ang Basic Concepts of Federalism, Bill of Rights and National Territory na ang magpapaliwanag ay si Fr. Ranhillo Aquino; Economic Reforms and Fiscal Administration na ipapaliwanag ni  Commissioner Virgilio Bautista; Structure of the Federal Government and Constitutional Bodies na tatalakayin ni Atty. Laurence B Wacnang at Creation and Structure of Federated Regions and Transition Amendments na ipapaliwanag  ni Atty. Susan U. Ordinario.

Maghapon na isasagawa ang Federalism Media Forum sa natutang hotel dito sa Cauayan City at bukas naman ay ang pagpapaliwanag ng mga commissioners sa mga local officials at sa bandang hapon ay ilalatag naman ito sa publiko na gaganapin sa F.L.Dy Coliseum ng Cauayan City, Isabela.


Facebook Comments