Kinilala at kinasuhan na ng Philippine National Police si Daraga Mayor Carlwyn Baldo na siyang utak sa pagpatay kay AKO Bicol Party List Representative Rodel Batocabe noong December 22 ng nakaraang taon.
Sa isang press conference, mismong si PNP Dir Gen Oscar Albayalde ang nagpahayag na ayon sa mga ebidensiya at mga testigong kanilang nakalap, lumalabas na si Mayor Baldo ang utak at mga kasamahan nito ang nagsagawa ng krimen.
Double murder at frustrated murder ang mga kasong isinampa sa mga sangkot sa Batocabe slay.
Ksunod ng pagsampa ng mga kaso sa mga suspects, ipinag-utos din ng pamunuan ng PNP ang pag-alis ng deputation power over PNP personnel kay Mayor Baldo. Ni-reall na rin ni Albayalde ang mga nagsisilbing security escorts at pati na rin ang mga permits to carry firearms.
Samantala, sinasabi na ang hindi pagtupad ni Baldo sa usapan nila ng mga nagsagawa ng pagpatay kay Batocabe ang lumalabas na dahilan kung bakit ibinunyag ng kanyang mga kasamahan ang bagay na ito.
Ayon sa testimonya, 5 million pesos umano ang usapan na magiging kabayaran ni Baldo sa grupong bumaril-patay kay Batocabe. Nakapagbigay lamang daw ang alkalde ng 250 thousand pesos noong September 2018 kay Christopher “Toping” Naval na dating myembro ng Philippine Army na isa na ngayon sa 7ng iba pang suspects.
Si Naval, sinasabing trusted aide ni Baldo ay nagpahayag na binuo ang 6-member group upang patayin si Batocabe.
Isa pang suspect na kinilalang si Henry Yuson ang sumuko sa PNP Sorsogon kung saan nagbigay ito ng testimonya na nag-offer umano si Baldo ng 5 million pesos sa kanilang grupo upang patayin si Batocabe; subalit hindi umano tinupad ng huli ang kanilang usapan matapos nilang gawin ang liquidation.
Maguguntiang si AKO BICOL Party List Representative Rodel Batocabe kabilang na ang kanyang security na si SPO2 Orlando Diaz ay binaril-patay noong December 22, 2018 sa Daraga, Albay habang nagsasagawa ng gift-giving sa mga senior citizens at persons with disability.
Sa panig naman ni Mayor Carlwyn Baldo, mariin naman niyang itinatanggi ang paratang na siya ang utak ng krimen kasabay ng pahayag na ginawang “convenient scapegoat” lamang umano siya sa krimen.
Mayor Carlwyn Baldo: "I assert my Innocence." RE: Ako Bicol Rodel Batocabe Slay
Facebook Comments