Unang buwan ng taong 2021, sinalubong ng sunog sa Las Piñas City

Sinalubong ng sunog ang unang buwan ng taong 2021 kung saan isang bahay ang tinupok ng apoy sa 001 Tramo St., Manuyo Uno, Las Piñas City.

Ayon kay Senior Fire Officer 1 Mar B. Fajardo, Arson Investigator ng Las Piñas Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog kaninang alas-10:05 ng umaga na itinaas sa unang alarma at naapula makalipas ang 42 minuto.

Tinatayang P30,000.00 ang halaga ng pinsala ng mga ari-arian na pagmamay-ari ni Romeo Dayrit kung saan limang pamilya ang apektado o labing anim na indibidwal ang nawalan ng tahanan.


Patuloy na inaalam ng mga tauhan ng BFP kung ano ang pinagmulan ng apoy na mabilis na kumalat.

Facebook Comments