Mayor Feliciano ng Brooke’s Point, nais patalsikin ang hepe ng PNP

Brooke’s Point, Palawan – Ipatatanggal ni Municipal Mayor Jean Feliciano ang Chief of Police (COP) sa bayan ng Brooke’s Point Palawan.

Ito ay matapos na hindi makakuha ng suporta sa PNP ang alkalde ng tangkaing mapasok ang Ipilan Nickel Corporation sa Barangay Maasin kung saan nagsasagawa ng illegal na pamumutol ng mga punong kahoy ang naturang kompanya.

Sabi ni Feliciano, tumanggi ang COP Psi Maribel Ustares at mga tauhan na sumama sa mining site dahil sa takot na baka makasuhan ng kompanya at baka daw magkabarilan ang pulis kontra sa mga guwardiya.


Sabi pa ng alkalde, hindi rin binigyan ng clearance ni PNP provincial director Ps. Supt. Gabriel Lopez ang mga pulis sa lugar kaya hindi nagkaron ng lakas ng loob na makita ang pamumutol na ginagawa sa loob ng minahan.

Dahil sa sobrang pagkapikon, irerekomenda ni Feliciano kay Lopez na paalisin sa pwesto ang hepe at saka palitan ng umanoy hindi takot sa bala at demanda.
DZXL558, Archie Barone

Facebook Comments