Mayor Isko at Coco Martin, namataan sa isang coffee shop

1902
Image from Facebook/Manila Public Information Office

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkikita nina Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at aktor na si Coco Martin.

Sa litratong ibinahagi ng Manila Public Information Office, mapapansing masinsinang nag-uusap sina Moreno at Martin sa isang coffee shop.


Lingid sa kaalaman ng nakararami, laking-Maynila ang bidang lalaki sa teleseryeng “Ang Probinsyano”.

Hinala tuloy ng ilang netizen, balik-showbiz na ba si Yorme Isko at mapapanood siya sa programa ni ‘Cardo Dalisay’?

Ayon sa pinuno, marami silang makabuluhang bagay na pinag-usapan ng Kapamilya star.

“Abangan ninyo baka sa Disyembre makita ninyo ako sa pinilakang tabing,” biro ni Moreno sa mga mamamahayag.

Wala naman siyang ibinigay na ibang detalye hinggil sa nasabing pelikula.

‘Yung mapapanood ninyo sa pinilakang tabing, tapos na (ang shooting), ani Moreno.

Kinumpirma din ng opisyal na gusto maging parte ni Martin sa mga proyektong isinusulong ng lokal na pamahalaan para sa mga kabataan.

Sa ngayon, pinaplantsa nila ang pagpupulong sa pagitan ng batikang celebrity at mga batang-Maynila.

Facebook Comments

From Advertisers