Pinirmahan na ni Mayor Isko Moreno ang Executive Order No. 11 hinggil sa nalalapit na selebrasyon ng Chinese New Year.
Sa ilalim ng E.O. No. 11, kanselado ang mga aktibidad tulad ng tradisyonal na parada, lion at dragon dance, fireworks, street parties, stage shows at mga palaro gayundin ang iba pang aktibidad.
Mahigpit ding ipagbabawal ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa may bahagi ng Binondo simula January 31 hanggang February 1.
Kaugnay nito, inatasan ni Mayor Isko ang mga opisyal ng 20 barangay na nakakasakop sa Binondo para ipatupad ang liquor ban at guidelines sa E.O. No. 11.
Sinabi naman ng alkalde na maaari naman maghanda at magdiwang ang bawat isa sa kani-kanilang tahanan pero mas maigi kung kada miyembro ng pamilya ang kasama.
Ang desisyon ng Manila Local Government ay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.