Senator Pacquiao, bahalang pumili ng kanyang ka-tandem sa 2022 elections

275

Bahala si Senator Manny Pacquiao na pumili ng magiging running mate niya sa 2022 elections.

Sinabi ito ni Senator Koko Pimentel makaraang magpasya si Pacquiao na tanggapin ang pagiging standard bearer ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa darating na halalan.


Ayon kay Pimentel, maliban sa magiging pambato ng partido sa pagka-bise presidente ay ikokonsulta rin nila kay Pacquiao ang kanilang senatorial candidates.

Tiniyak ni Pimentel na bago magsimula ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) sa unang linggo ng Oktubre ay makapagpapasya na si Pacquiao kung sino ang nahirang niya na maging ka-tandem at maging senatorial candidates.

Diin ni Pimentel, may sapat pang oras si Sen. Pacquiao at ang kanilang partido para magdesisyon at mag-anunsyo ng kanilang isasabak sa pagpangalawang pangulo at pagka-senador.

Facebook Comments