Bukas si Manila Mayor Isko Moreno sa pag-amyenda sa konstitusyon para sa karagdagang kwalipikasyon sa nais tumakbong pangulo ng bansa.
Ayon kay Isko, payag siya na ang isang indibidwal na nais tumakbo ay nararapat na dumaan o may ilan taon ng karanasan sa gobyerno o anumang serbisyo publiko.
Pero, hindi naman siya pabor na ang bawat presidential aspirants ay kinakailangan na may college degree bago niya naisin na makakuha ng mataas na posisyon sa bansa.
Aniya, bago pataasin ang standard ng educational attainment ng tao, dapat masiguro na bukas at mailalapit ang edukasyon para lahat.
Iginiit pa ni Mayor Isko na hindi lahat ay nakakakuha o nararanasan na makapag-aral dahil hindi sapat ang tulong na naibibgay ng gobyerno kung saan inihalimbawa nito ang ilang mga taga-probinsiya nais mag-kolehiyo ay kinakailangan lumuwas ng Maynila para lamang makapag-aral.
Ang pahayag ng alkalde ay bilang tugon sa hindi matapos-tapos na isyu sa edukasyon ng mga kasalukuyang tumatakbong pagka-pangulo sa 2022 national at local elections.