Kampo ni BBM, sinigurong hindi sasabak sa hateful campaigning

86

Tiniyak ng kampo ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na hindi ito sasabak sa “hateful campaigning.”

Kasunod ito ng pahayag ni Vice President Leni Robredo na isa siyang sinunagling at hindi lumilitaw tuwing may mahihirap na sitwasyon.

Ayon sa tagapagsalita ni Marcos na si Attorney Victor Rodriguez, ang tanging maiaalok ni BBM sa sambayanang Pilipino ay mapagkaisa ang mga namumuno sa bansa.


Aniya, hindi gagawa at hindi makikisali si BBM sa mga negatibo at hateful campaigning.

Matatandaaang hindi dumalo si Marcos sa panayam ng mamamahayag na si Jessica Soho dahil sa pagiging bias sa pamilya Marcos.

Facebook Comments