Itinanggi ni Manila Mayor Isko Moreno na ‘anti-poor’ ang estilo ng pamamahala niya sa lungsod.
Ito ay sa harap ng ginawang pagpapaalis ni Mayor Isko sa mga illegal vendor sa mga lansangan sa Maynila.
Giit ng alkalde – nais lang niyang ibinalik sa kaisipan ng mga tao na mayroong gobyerno umiiral sa lungsod.
Dagdag pa niya, binabalanse niya ang pagpapatakbo ng gobyerno.
Inaayos lang niya ang lugar kung saan dapat magtinda ang mga ito.
Paglilinaw pa ni Mayor Isko, hindi niya ikinatutuwa kapag may mga lumalabag sa batas na nahuhuli.
Facebook Comments