Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno na hindi sa pasyente nahawa ng COVID-19 ang mga doktor sa Ospital ng Maynila kundi mismong sa kanilang mga kasamahan.
Kasabay nito, kinumpirma ni Moreno na karamihan sa 11 medical frontliners ng nasabing ospital na na-confine sa COVID-19 ay mga doktor at nurse.
Apat din ang naka-home quarantine at ang 32 ‘suspects’ na asymptomatic ay naka-home quarantine rin.
Umaabot na rin sa 58 ang kanilang na-contact trace mula sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibong medical frontliners ng Ospital ng Maynila.
Ang nasabing ospital ay pansamantalang isinara mula kahapon hanggang sa August 9, 2020 pero magpapatuloy ang kanilang pagtanggap ng mga pasyenteng may emergency cases.
Partikular ang mga manganganak, naaksidente, sumasailalim sa hemodialysis, radiology, laboratory at telemedicines gayundin ang serology, swab tests at bagong COVID cases.