Mayor Isko Moreno, muling ininspeksiyon ang Bonifacio Monument

74

Manila, Philippines – Binalikan ni Manila Mayor Isko Moreno ang Bonifacio Monument matapos itong gawing tulugan at palikuran ng mga tao.

Nasurpresa si Moreno matapos itong mag-inspeksiyong muli sa nasabing lugar.


Ayon sa alkalde, malinis na ang Monumento na nasa tabi lamang ng Manila City Hall habang wala na rin ang mga palaboy na natutulog at dumudumi sa lugar.

Matatandaang nakatapak si Moreno ng dumi ng tao at pinuna ang kawalan ng pulis na nagbabantay at sumisita sa mga pasaway sa nasabing Monumento.

Aniya, dumating lamang ang mga pulis matapos mapanood ang kanyang Facebook live.

Bukod dito pinadadampot din niya ng makikitang tumatambay sa Bonifacio Shrine.

Facebook Comments

From Advertisers