MMDA, nanawagan na respetuhin ang kanilang mga tauhan

19

Nananawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na huwag namang murahin, bastusin o saktan ang kanilang mga traffic enforcer.

Ayon kay EDSA MMDA Commander Colonel Bong Nebrija, ginagawa lamang ng kanilang mga tauhan ang kanilang mga trabaho kaya hindi sila dapat na sinisigawan o bastusin ng sinuman.


Ito ay matapos na mag-viral ang isang video kung saan minura ng isang pasahero isang traffic enforcer matapos na papilahin sa designated area ang kanilang sinasakyang bus.

Facebook Comments

From Advertisers