Mayor Isko Moreno, naaalarma na sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Maynila dahil sa mga residenteng sumusuway sa quarantine protocol

Naaalarma na si Manila Mayor Isko Moreno sa patuloy na pagbalewala ng ilang residente ng Lungsod sa quarantine protocol.

Partikular ang social distancing, curfew at ang pananatili sa bahay na nagiging dahilan ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar.

Tinukoy ni Moreno ang mga lugar ng Sampaloc, Tondo, San Andres, Pandacan, Sta. Cruz at Baseco na pahirapan sa pagsunod sa quarantine protocol.


Sinabi ng alkalde na maraming mga residente sa nasabing mga lugar ang nag-iinuman at nakatambay sa kalsada sa oras ng curfew.

Aniya, lumalabas sa talaan ng Dept. of Health na sa mga nabanggit na lugar nagmumula ang mga nagpopositibo sa virus.

Facebook Comments