Binisita ni Mayor Francisco “Isko” Moreno nitong weekend ang San Pablo City sa Laguna, ang Candelaria, Quezon at ang lalawigan ng Cebu.
Ito’y bilang bahagi ng kaniyang listening tour at pakikipag-ugnayan sa mamamayan kasabay na rin ng pagpapahayag ng kaniyang mga plataporma sa ilalim ng kaniyang Bilis-Kilos Program.
Sa pagpunta ni Mayor Isko sa San Pablo City, Laguna, inilatag niya ang Food Production Strategic Plan para sa Agricultural Sector dahil naniniwala siya na mahalaga na magkaroon ng seguridad sa pagkain ang bansa.
Sa pagharap naman sa mga residente ng Candelaria, Quezon, muling igniit ni Mayor Isko na kung siya ang papalarin sa 2022 national election, babawasan niya ng 50% ang tax sa kuryente at langis upang makaranas naman ng kaginhawaan ang publiko.
Habang sa pagtungo naman ni Mayor Isko sa Cebu ay namahagi ito ng tulong pinansyal sa mga nasunugang residente sa Alaska, Mambaling.
Bukod dito, plano ni Mayor Isko na i-adopt ang Sugbo Negosyo ng Cebu na nauna nang ipinapatupad ni Gov. Gwen Garcia.
Ito’y upang bilang tulong para makabangon ang Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa pagkalugi bunsod mg COVID-19 pandemic.