SBG at PRRD, magtutungo sa Rizal ngayong araw

57

Naimbitihan si Senador Christopher “Bong” Go bilang guest of honor at speaker sa isang event ngayon sa Antipolo, Rizal.

Sasamantalahin na rin ito ng senador upang mamahagi ng tulong sa ating mga kababayan sa Rizal.

Mamamahagi ito ng grocery items, face mask, mga bitamina gayundin ng mga bike, sapatos at tablet.


Samantala, maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay sa Rizal ang dadaluhang aktibidad ngayong araw.

Pangungunahan kasi ng presidente ang unang araw ng 3-day National Vaccination Day.

Ayon sa Palasyo, hihikayatin ni PRRD ang publiko lalo na ‘yung mga hindi pa nababakunahan na magpapabakuna na dahil libre naman itong ipinagkakaloob ng pamahalaan.



Facebook Comments