Mayor Isko Moreno, nagtungo sa lalawigan ng Cavite at Cebu

Binisita ni Manila Mayor Isko Moreno ang lalawigan ng Cavite at Cebu bilang bahagi ng kaniyang listening tour.

Sa pagtungo nito sa Naic, Cavite, inilatag ni Moreno ang kaniyang mga pro-poor agenda sakaling palarin sa 2022 national elections.

Kabilang dito ang pagbibigay ng basic needs tulad ng pagkain, pabahay, kalusugan, edukasyon at trabaho.


Aniya, kinakailagan munang umatras nang konti ang gobyerno, umabante nang kaunti ang tao sa pamamagitan ng pagbabawas ng tax sa kuryente at produktong petrolyo.

Iginiit ng alkalde na sa pagkakaroon ng pagkalugi ng gobyerno, mapapakinabangan naman ng tao ang murang bilihin, murang pamasahe at murang kuryente.

Sa pagtungo naman nito sa Cebu, pinuri ng alkalde ang tourism sector dahil sa pangangalaga nila sa ilang tourist attraction ng lalawigan.

Ito’y matapos na magtungo si Moreno sa Cebu Safari and Amusement Park kung saan iginiit niya na ang pagbabakuna kontra COVID-19 ang isa sa pinaka-importanteng pamamaraan para muling bumalik ang sigla sa sektor ng turismo sa bansa.

Facebook Comments