Iloilo City – Nanumpa na bilang bagong acting Mayor ng Iloilo City si Vice Mayor Jose “Joe” Espinosa III.
Iloilo City – Ito ay matapos maisibli ng Department of Interior of Local Government (DILG) ang dismissal order laban sa kay dating Mayor Jed Patrick Mabilog sa Iloilo City Hall.
Nanumpa si Espinosa kay Reyland Hervias, pangulo ng Association of Barangay Captains o ABC.
Kasabay ng kanyang pag-upo bilang alkalde ng Iloilo City, tiniyak ni Espinosa na ipagpapatuloy nito ang mga magandang programa na nasimulan ni Mabilog.
Tututukan din aniya ng kanyang administrasyon ang peace and order sa lungsod para matiyak ang patuloy na paglago ng ekonomiya ng Iloilo City.
Matatandaang ipinag-utos ng Ombudsman ang dismissal kay Mabilog matapos itong maging guilty sa serious dishonesty dahil sa kabiguang maipaliwanag ang pagtaas ng kanyang net-worth sa loob lamang ng isang taon.