Mayor Joy Belmonte, pinatitiyak sa QCPD na mabibigyang seguridad ang paghahatid ng tulong ng mga community pantry

104

Pinaiimbestigahan na ni Mayor Joy Belmonte sa pamunuan ng Quezon City Police Department (QCPD) ang umano’y red-tagging sa grupo ni Ana Patricia Non.

Tiniyak ni Mayor Joy Belmonte kay Ana Patricia Non at sa ibang nagmamalasakit na mamamayan na suportado ng Local Government Unit (LGU) ang community pantries.


Kasunod naman ito ng pansamantalang pagtigil ngayong araw ng community pantry sa Maginhawa dahil sa umano’y red-tagging ng pulisya.

Kabilang sa katuwang sa pagbibigay seguridad at sa pagtitiyak na tuloy-tuloy na paghahatid ng tulong ng mga community pantry ay ang task force, disiplina at mga lider ng barangay.

Facebook Comments