Total COVID-19 Cases sa Region 2, Pumalo sa Halos 27,000

19

Cauayan City, Isabela- Pumapalo sa halos dalawampu’t pitong libo ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong Lambak ng Cagayan.

Batay sa tala ng Department of Health (DOH) Region 2 kahapon, April 19, 2021, umaabot na sa 26,572 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa rehiyon matapos madagdagan ng 1,154 na panibagong kaso.


Mayroon namang 707 na naitalang bagong gumaling na nagdadala ngayon sa 20,408 na total recovered cases.

Mula sa naitalang total confirmed cases sa rehiyon, 5,705 pa rito ang aktibo.

Ang Lambak ng Cagayan ay may labing tatlo (13) na naitalang bagong nasawi na nagdadala ngayon sa kabuuang bilang nga mga namatay sa COVID-19 sa 449.

Facebook Comments